Inalayan kita ng kaunting talinghaga upang sumibol ang mga haraya. Ngumiti at bumangon, kasama kitang hahayon...
BALANGAW (Bahaghari)
Sa Buwan ng Pagpapalaya
Sa haginit ng iyong pakpak, masanghaya kaming tatalunton,
Sa iyong mga kulay, sisigaw ang tambuli sa mapagpalayang muhon,
Sa kinang ng dalisay na balangaw
Aalingawngaw ang mga pahaw na sigaw
Pamansag sa mga mapang-uyam na mata
Para sa mataginting na himig ng hindi mauumid na paglaya!!!
A LUTA CONTINUA VITORIA E CERTA
✊✊✊💪💪💪🏳️🌈🏳️🌈🏳️🌈🌈🌈🌈
❤️🧡💛💚💙💜🖤
Sa iba't ibang nilikha sa iba't ibang larang at kulay.... Ang kaibahan ay hindi natin kakulangan.... At hindi rin natin kapintasan!
Yakap, kaibigan, kapatid, kasangga.
From Binibining Maria Pia A. Color, guro, kaibigan, kasamang tatanglaw sa madilim na paglalakbay tungo sa paglaya
Comments