top of page
Writer's pictureUP Babaylan

To Brave Love from Kit Matiga



Yes, you are a brave love. Simula pa lang nong natutunan mong mahalin at tanggapin ang sarili mo naging matapang ka na.


Yung moment na nanindigan ka kung sino ka naging matatag ka na. Yung pagkakataon na mas pinili mong pakinggan ang laman ng puso mo mas naging palaban ka na.


Hinding hindi masusukat ang katapangan mo simula noong natutunan mong harapin ang sarili mo, simula nong pinili mong bigyang linaw ang pagkatao mo.


Huwag kang hihingi ng tawad sa kung sino ka. Huwag kang mag magmakaawa sa sarili mo na sana hindi ka na lang naging ikaw para matanggap ka nila. Dahil hindi ikaw ang may problema. Wala kang ginawang masama at kailan man hindi ka naging masama sa pagpiling mahalin at tanggapin ang sarili mong katauhan na nakapaloob lang dahil sa takot na ikaw ay husgahan.


Matapang ka! Ikaw ang pinakamatapang na mukha ng pag-ibig. Huwag mong hayaang mawala ka sa inyong kinang dahil sa panghahamak nila. Ikaw ay ikaw at palagi mong piliin sanang maging ikaw.


You are the bravest type of love, you should never apologize for loving your own kind.


5 views0 comments

Recent Posts

See All

留言


bottom of page