top of page
  • Writer's pictureUP Babaylan

From Anon


Isang malaking shawtawt sa LGBTQI Community! Lalo na sa mga hindi pa nakapag out, sobrang hanga ako sa tibay nyo! ✊


Alam kong mahirap para sa atin, lalo ngayong may covid since lalong naging limitado ang pag express natin ng ating mga sarili. Mahirap, as in. Mahirap maging lost. Mahirap pag naooverthink ito. Mahirap kapag alam mong madidisappoint sayo yung family mo pag nag out ka, mahirap na ang daming expectations sayo ng tao, mahirap na ang daming mga judger sa paligid. Isang mahigpit na yakap sa inyong lahat!


Coming out will always be one of the hardest trials sa buhay natin, pero wag tayong susuko, for as long as wala naman tayong ginagawang mali and naaapakang tao, soon matatanggap din tayo, kasi worth it din tayo. 


Mahirap man ngayon, pero don't lose hope, someday, makakamit din natin yung safe space na kung saan tanggap ka ng mga tao sa paligid mo, no hate, puro pagmamahal lang. 


Isang malaking shawtawt din sa mga heterosexuals! Thank you sa iba na mga nakakaintindi at sumusuporta sa amin! If you're a heterosexual and bago sa iyo ang community na ito, I am encouraging you to be open minded, educate yourselves about sa LGBTQI Community :) Hindi po biro ang pinagdadaanan ng taong part ng community namin, if may friends kayo na kilala ngayon na struggled sa sexuality nila please reach out to them. And I hope na dumami pa kayong mga sumusuporta sa amin. 


Also, kung sino man dito ang mga taong may alam ng gender identity ng isang tao, and if mamaya baka hindi papala out yung tao nayon, please lang, sana respetuhin niyo yung tao, wala po kayong karapatan na iout yung tao kung hindi pa siya ready mag out.


Para sa mga confused pa sa sexuality nila, I know mahirap maging *lost*, and I think this is the perfect time para makapagreflect kayo, educate yourselves as well, also, lagi nyong tatandaan na hindi masama na humingi ng tulong sa iba, huwag nyo rin sarilihin yan.


As an end note, lagi nyong tatandaan, you are waaay more than what they think you are. Hinga ka lang, hindi ka nag iisa.


Love, Baymax.

1 view0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page